-- Advertisements --
Walang magiging pagbabago sa budget ng Office of the Vice President sa susunod na taon.
Sinabi ni Vice President Sara Duterte, na kung ano ang inaprubahan na budget ngayong 2025 ay hindi na nila ito babaguhin hanggang sa susunod na taon.
Giit nito na alam naman niya ang kalakaran ng kasalukuyang administrasyon kung saan ang mga hindi kaalyado ay ginigipit ang kanilang budget.
Ayaw rin niyang mapahiya ang mga emplyeado ng kaniyang opisina na haharap sa mga mambabatas tuwing mayroong budget hearing.