-- Advertisements --
Educational bill 8

Suportado ng 98% ng mga Pilipino ang free tuition law sa tertiary education, batay sa panibagong survey na inilabas ng Pulse Asia.

Batay sa isinapublikong resulta ng naturang survey, tinukoy ng mga respondents ang ilang kadahilanan para suportahan ang naturang batas.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

51% sa kanila ay naniniwalang maganda ang magiging epekto nito sa buhay ng mga college students.

19% ang naniniwalang makakapag-contribute ito sa paglinang ng skills ng mga kabataan.

18% ang naniniwalang karapatan ng mga kabataan na mabigyan ng libreng edukasyon.

11% ang naniniwalang responsibilidad ng pamahalaan ang paglalaan ng naturang programa.

Tanging 0.4% lamang ang nagsabi na sinusuportahan nila ang libreng college education dahil naniniwala silang makakapag-ipon sila sa pamamagitan nito.

Sa distribusyon ng suporta ng mga respondents, 98% ng mga natanong mula sa National Capital Region ay sumusuporta rito, 96% mula sa Balance Luzon, 99% mula sa Visayas at 100% mula sa Mindanao.