MANILA – Tinatayang 98% o katumbas ng 7,952 na bilang ng healthcare workers sa lungsod ng Taguig ang naturukan na ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).
“Ang Lungsod ng Taguig ay nakatapos na (ng) 98% sa pagbabakuna sa mga nasa kategorya sa A1 ng COVID-19 Vaccine Priority List,” ayon sa statement ng local government unit.
Kabilang sa mga nabakunahan ay mga doktor, nurse, at iba pang private at public healthcare workers sa mga COVID-19 referral centers.
Ayon sa Taguig LGU, ang mga medical frontliners na nabakunahan ay mula sa ilang ospital at organisasyon sa lungsod:
- Taguig-Pateros District Hospital
- Taguig City Health Office
- Cruz-Rabe Hospital
- Medical Center Taguig, Inc
- St. Luke’s Medical Center-Global City
- Recuenco General Hospital
- Dr. Sabili General Hospital
- Taguig Doctor’s Hospital
Target ng national government na mabakunahan ang tinatayang 1.8-million healthcare workers sa buong bansa bago matapos ang Abril.
Sa huling datos ng Department of Health, aabot na sa higit 700,000 medical frontliners na ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa buong bansa. Ang higit 1,000 sa kanila ay naka-kumpleto na ng dalawang doses.