-- Advertisements --

Iniulat ng election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na nasa 98.73% na ang match rate ng parallel vote counts o kabuuang 65,171 elections retrurns (ERs) na ang encoded hanggang nitong huwebes, Mayo 19.

Mahigit isang linggo na ang nakalilipas mula noong araw ng halalan ng simulan ng PPCRV ang pag-validate sa mga resulta ng May 9 national at local elections sa pamamagitan ng pisikal na kopya ng ERs at pagkumpara sa ER mula sa bilang ng mga boto mula sa transparency servers ng Commission on Elections.

Ayon kay PPCRV Director for Youth Affairs Jude Liao, nasa 64,341 na ng kabuuang encoded election returns ang tumugma sa electronically transmitted results mula sa transparency server ng Comelec.

mayroon aniyang kabuuang 830 election returns ang hindi nag-matchsubalit paliwanag ng opisyal na nasa 105 ERs dito ang hindi pa napagkumpara subalit isasama sa susunod na batch ng processing o matching habang nasa 341 ERs naman ang hindi na pwedeng mapagkupamara dahil wala umanong electronically transmitted counterparts ito dahil sa failure ng ilang VCMs na makapagtransmit.

Samantala, nasa 384 ERs naman ang natukoy para sa revalidation.

Umaasa naman ang ERs na 100 porsyento na mavalidate ang kabuuang ERs para sa halalan ngayong taon.

Noong 2019, nasa 88% ng ERs ang natanggap ng PPCRV .

Sa ngayong iginiit naman ng poll watchdog official na wala pang discrepancies sa ngayon ang nakikita sa kanilang validation sa ERs.