Aabot na sa 97.4% ng P4.506-trillion 2021 national budget ang nailalabas ng Department of Budget and Management (DBM) hanggang noong katapusan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.
Sa isang statement, sinabi ng DBM na P4.390 trillion ng pambansang pondo ang nailabas na nila hanggang noong Oktubre 31, 2021.
Ibig sabihin, mayroon pang balanse na P115.57 million, na nakatakdang gamitin sa funding requirements sa mga nalalabing buwan ng taong kasalukuyan.
Sinabi ng DBM na ang bulto ng mga allotments ay nailabas na, na nagkakahalaga ng P2.496 trillion, ay napunta sa iba’t ibang ahensya at kagawaran ng pamahalaa.
Samantala, ang P387.12 billion naman ang napunta sa Special Purpose Funds tulad ng Budgetary Support to Government Corporations, Allocation to Local Government Units, Contingent Fund, Miscellaneous Personnel Benefits Fund, National Disaster Risk Reduction and Management Fund, at Pension and Gratuity Fund.
Ang allotment sa automoatic appropriations ay umakyat sa P1.238 trillion, ayon sa DBM.
Kablang na rito ang para sa Internal Revenue Allotment of Local Government Units, Pension of Ex-President/Ex-President Widows, Net Lending, Interest Payments, Tax Expenditures Fund/Customs Duties and Taxes, at Retirement and Life Insurance Premium requirements.
Samantala, ang allotment para sa iba pang automatic appropriations na nagkakahalaga ng P34.10 billion ay nailabas na rin.
Alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11520 na nagpapalawig sa validity ng Fiscal year 2020 General Appropriations Act hanggang Disyembre 31, 2021, sinabi ng DBM na nailabas na nila ang P135.50 billion.