-- Advertisements --

Aabot na sa 95 percent ng P14.9 billion advanced payments sa mga ospital at iba pang health facilities na dumaan sa kontrobersyal na interim reimbursement mechanism ang na-liquidate na ng PhilHealth, ayon kanilang presidente na si Dante Geirran.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Health, sinabi ni Geirran na sa P14.9 billion na pondo, P14.2 billion na rito ang liquidated na.

Target aniya nilang matapos ang liquidation sa kabuuang halaga ng perang inilaan bilang IRM funds sa katapusan ng buwan ng Marso ng taong kasalukuyan.

Sa ilalim ng IRM system, binabayaran ng advance ng PhilHealth ang mga ospital at healthcare facilities para sa insurance claims at para matiyak na rin na hindi maantala ang kanilang operasyon sa tuwing magkaroon ng krisis.

Subalit sa mga pagdinig ng Kongreso noong nakaraang taon, natuklasan na ang IRM funds na ito ay ibinigay din sa mga dialysis centers, infirmaries, at maternity centers kahit pa hindi naman maituturing na rumirisponde sila sa “fortuitous” events na sinasabi ng PhilHealth.

Magmula noon ay sinuspinde pansamantala ng PhilHealth ang IRM system para silipin muna ang overall implementation at maresolba na rin ang mga issues na natuklasan sa mga naganap na congressional inquiries.

Magugunita sinabi ni resigned PhilHealth anti-fraud officer Thorsson Montes Keith na aabot sa P15 billion ang binulsa ng “mafia” sa PhilHealth sa pamamagitan ng mga kahinahinalang transaksyon, kabilang na ang sa IRM