-- Advertisements --

Aabot sa 95 katao na ang nasawi at marami ang nasugatan sa naganap na flash flooding sa Afghanistan.

Nagmula sa 10 probinsya ang mga nasawi kung saan maraming mga katao ang nasugatan.

Mahigit isang linggo na ang nararanasang pag-ulan sa lugar.

Base sa pagtaya ng Disaster Management Authority na mula pa noong Hunyo mayroon ng 820 katao ang nasawi at mahgit 320,000 kabahayan na ang nasira.

Sinabi ni Deputy Minister of Disaster Management Mawlawi Sharafuddin Muslim na hinatiran na nila ng mga pagkain at mga kakailanganing tulong sa mga apektadong pamilya.