-- Advertisements --

Inanunsiyo ng 95-anyos na Italian cinema actress Gina Lollobrigida na ito tatakbo sa pagka-senador sa kanilang bansa sa susunod na buwan.

Napilitang magsagawa ng halalan matapos na buwagin ni President Sergio Mattarella ang Parliyamento noong Hulyo dahil sa pagbibitiw sa puwesto ni Prime Minister Mario Draghi.

Magiging kandidata ang actress ng Sovereign and Popular Italy Party sa lungsod ng Latina.

Sinabi nito na kaya niya nais na pumasok sa pulitika ay dahil sa pagod na itong nakakarinig ng mga argumentuhan ng mga mambabatas.

Tiniyak nito na makakatanggap ng hustisya at tamang benepisyong pangkalusugan ang mga tao kaya nagpasya ito ng tumakbo sa halalan.

Noong 2018 ng mabigyan ng Hollywood Walk of Fame ang actress.

Bumida ang actress sa ilang pelikula gaya ng “The Hunchback of Notre Dame” at “Come September” noong 1961.
Taong 1999 ng tumakbo ito sa European Parliament subalit nabigo siya.