Iniulat ng Department of Budget and Management (DBM) na 94% na ang nagugol sa alokasyong pondo para sa mga ahensiya ng gobyerno sa pagtatapos ng Oktubre.
Nangangahulugan na nagamit na ng national government, mga lokal na pamahalaan at state-owned corporations ang P3.39 trillion mula sa P3.6 trillion sa notice of cash allocations (NCA) na inilabas sa unang 10 buwan ng 2023.
Ang notice of cash allocations ay tumutukoy sa quarterly authority na ibinigay ng DBM sa mga ahensiya para i-withdraw ang pera mula sa Treasury para pondohan ang kanilang mga programa at spending requirements.
Sa naturang datos ng DBM, nagamit ng mga ahensiya ang 92% ng cash aloocations as of October kung saan ang Commission on Audit ang tanging ahensiya na nakapagtala ng 100$ utilization rate.
Samantala, ang hindi pa nagagamit na pondo ay aabot sa P209.47 billion na mas malaki kumpara sa P202.91 billion na bigong magamit ng mga ahensiya ng estado sa loob ng isang taon noong 2022.