ROXAS CITY – Nadurog ang katawan ng isang lola matapos masagasaan ng Ford Ranger na sasakyan sa Barangay Maninang, Sapian, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Generosa Flores 94-anyos ng nasabing lugar.

Base sa impormasyon, naglalakad sa gilid ng kalsada ang biktima ng biglang hapitin ng sasakyan.

Sa lakas ng impact ay nakaladkad pa ang lola hanggang nagulungan.

Dahil dito ay nadurog ang katawan ni Flores.

-- Advertisement --

Samantala, boluntaryong sumuko sa Sapian PNP ang suspek.