Nasa 92 percent na raw na teaching at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) ang nakakumpleto na ng kanilang primary vaccine series laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa kabila nito, sinabi naman ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa na ipatutupad pa rin nila ang No Discrimination Policy sa mga paaralan at papayagan ang mga guro at estudyante na dumalo sa face-to-face classes kahit ano pa ang kanilang vaccination status.
Sa data ng kagawaran, aabot na rin sa 90 percent ng mga teaching at non-teaching personnel ang fully vaccinated.
Kumukuha pa raw sila ng data kung ilan sa naturang bilang ang nakapagpabakuna na ng booster doses.
Una na ring inanunsiyo ni DepEd Undersecretary Atty. Revsee Escobedo na papayagan pa ring makapagturo ang mga hindi bakunadong guro sa pagbabalik ng face-to-face classes bukas.