Target ngayon ng Department of Education-7 na magkaroon ng 100% limited face to face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong Central Visayas sa darating na Agosto 22 o ang simula ng school year 2022-2023.
Inihayag ni DepEd-7 Regional Director Salustiano Jimenez na sa kasalukuyan, mayroon ng 91% na mga paaralan sa rehiyon ang nagpatupad ng limited face to face at ang natitirang 9% ay yung mga malalaking paaralan na may mataas na bilang ng populasyon na kasalukuyan na rin umanong naghahanda.
Sinabi pa ni Jimenez na 35% sa mga pribadong paaralan ang nagsagawa na ng parehong format.
Samantala, wala pa umanong naitalang COVID-infections sa mga paaralan sa kadahilanang pumasok ang mga ito sa klase.
Isa pa umanong nakatulong dito ay ang paghigpit ng mga paaralan sa pagpapatupad sa mga health protocols.
Dagdag pa ng opisyal na 98% sa teaching at non-teaching personnel ng rehiyon ang nabakunahan na laban sa COVID-19.