NAGA CITY – Halos 10 katao ang nasugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa Barangay Mal-ay Lopez, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang binabaybay ng isang tractor na minamaneho ng nagngangalang Arjay Lopez ang kalsada sa nasabing lugar nang mawalan umano ito ng kontrol.
Nauwi ito sa pagbangga sa isang bahay na pag-aari ng isang Jaime Decena at tumama pa sa likurang bahagi ng kanyang behikulo ang tatlo pang sasakyan na minamaneho nila Edwin Bolilan, Rico Britanico at Berdon Basa.
Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga pasahero ng naturang mga sasakyan at ang may-ari ng nahagip na bahay.
Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa pangyayari.