CAGAYAN DE ORO CITY – Naka-camp restrict ang nasa siyam na pulis sa Regional Mobile Force Batallion 10 dahil sa pagkamatay ng kanilang kasamahan habang naka-duty sa 2nd plantoon ng 1004th detachment base sa bayan Kalilangan,Bukidnon.
Batay ito sa kautusan ni Police Regional Office 10 Director Police Brig Gen Lawrence Coop upang malimitahan ang mga galaw at impluwensiya nito habang isinagawa ang imbestigasyon patungkol sa pagkasawi ni Patrolman Jeffrey Dabuco,31 anyos,may-asawa residente nitong rehiyon.
Sinabi sa Bombo Radyo ni PRO 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro na matapos napaulat na missing si Dabuco noong Hunyo 24 ng madaling araw,natagpuan ang naagnas na nitong katawan sa ilog ng Purok 2,Barangay Panang,Wao,Lanao del Sur kahapon ng umaga.
Inihayag ni Navarro na kabilang sa iniimbestigahan ang umano’y usapin patungkol sa suhulan ng ilang mga pagpapalusot na gawain sa lugar kung saan biglang nabigas ni Dabuco sa harap ng kanyang senior officials habang nasa kasagsagan ng kanilang inuman.
Kabilang sa mga camp restricted sina 1004th detachment base commander Police Lt Eleno de la Cruz Ilustrismo Jr; Corporal Ivan James Prado;Patrolmen Lunnel Dapar;Ivan James Prado; Corporals Robert Jun Singcay at Neil Magriña at apat na iba pa.