-- Advertisements --

Nakahanda na ang siyam na PBA team na magsagawa ng training sa Batangas City.

Tatlong lugar ang napili ng PBA para sa closed-circuit setup training.

Kinabibilangan ito ng Batangas Coliseum, Batangas State University Gym at Lyceum-Batangas Gym.

Pinagbabawal pa kasi ang pagsasagawa ng indoor sports at practice sa National Capital Region, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal ng hanggang Mayo 31 matapos na isailalim ito sa general community quarantine.

Napili naman ng Meralco at TNT na magsagawa ng training sa Laoag, Ilocos Norte habang ang NLEX ay sa Clark, Pampanga.