-- Advertisements --

Napatay ng Israeli airstrike ang siyam na Islamic Jihad sa Gaza strip.

Kinumpirma ito ng Islamic Jihad ang pagkasawi ng isa nilang senior leaders na si Tayseer Al Jabari.

Si Al Jabari ay commander ng Quds Brigade ang arm wings ng Islamic Jihad.

Ayon sa Palestinian health ministry na kabilag ang limang-taong gulang na batang babae ang nasawi at mayroon ding 55 iba pa na nasugatan.

Sa inilabas naman na kalatas ng Israel army na ang military operation na tinawag nilang ‘Breaking Dawn” ay target ang Islamic Jihad na isang maliit at dalawa sa pangunahing grupo sa Gaza.

Naghahanda rin sila ng posibleng pagganti ng mga grupo.

Kinondina naman ng Hamas ang militant group na komokontrol sa Gaza ang ginawang pag-atake ng Israel.

Isinagawa ang Israel ang atake matapos ang pagkaaresto ng senior Islamic Jihad commander na si Bassam al-Saadi sa West Bank town ng Jenin.