Nagsimula na muling magbilang ang Philippine National Police (PNP) ng mga napapatay at sumusuko sa kanilang War on Drugs sa ilallim ng Project Doubel Barrel Reloaded.

Sa datos na inilabas ng PNP na mula March 6 hanggang March 9, nakapagtala na sila ng nasa 103 anti-drug operation.

Siyam na ang napatay, 145 ang arestado at 13 mga drug users ang sumuko.

Kasabay nito ang kanilang anti-illegal gambling operation kung saan nasa
2,290 na ang naaresto at nasa P468,085 ang kanilang nakumpiskang cash.