-- Advertisements --
Scene of the shooting

Umabot na sa siyam na katao ang naitalang malubhang nasaktan matapos ang nangyaring mass shooting sa isang mall sa Texas, USA.

Sa isang pahayag sinabi ng mga awtoridad na sa ngayon ay hindi pa nila matukoy ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa insidente bagamat nakapaghatid na sila ng 9 na biktima sa ospital.

Ayon sa mga opisyal, maaaring marami pa ang nasaktan at nasugatan sa pamamaril at posibleng dinala ng ibang ahensya , pamilya at kaibigan ang ibang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.

Batay naman sa mga saksi, hindi bababa sa dalawang biktima ang nasawi sa naturang pamamaril.

Anila, nakita nila itong natatakpan ng sapin sa bangketa ng mall habang inilahad nila sa mga awtoridad na ang gunman ay nakasuot ng itim na damit.

Kinumpirma rin ng mga kinauukulan na kabilang sa mga biktima ay mga bata habang ang shooter ay napatay ng Pulisya.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa dahilan ng naturang pamamaril.