-- Advertisements --

Siyam na migrants ang kumpirmadong namatay matapos tangkaing tumawid sa Rio Grande River patungong Estados Unidos.

Sa siyam na namatay, tatlo dito ang natagpuan ng Mexican government at anim sa panig ng US Border Patrol agents.

Nasa 37 naman ang nailigtas malapit na sa Eagle Pass, Texas, US.

Dahil dito, nagbabala naman ang US customs officials na iwasang tumawid sa naturang ilog.

Sinabi ng US Border Patrol na asahan na raw ang pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog dahil sa asahang pag-ulan pa sa mga susunod na araw.

Patuloy naman ang isinasagawang search and rescue ng mga patrol agents kasama na ang mga local fire at police agencies dahil sa posibilidad na mayroon pang karagdagang mga biktima.

Noong Huwebes lamang nang naisuko sa kustodiya ng US border partol agents ang 53 migrants kabilang na ang 37 na na-rescue sa naturang ilog.

Ayon naman sa Mexican government authorities, nasa 39 katao ang kanilang naaresto.