-- Advertisements --

Pinuri ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang siyam na local government units dahil sa kanilang community-based rehabilitation program kontra iligal na droga.

Sa isang statement, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na sa kabila ng banta na hatid ng COVID-19 pandemic, nanatiling committed ang national government sa rehabilitation ng mga drug users sa community level.

Ayon kay Año, kabilang sa siyam na lokal na pamahalaan ay ang munisipalidad ng Magallanes, Cavite; at Bacnotan, La Union; Lungsod ng Lucena, Quezon; munisipalidad ng Kalibo, Aklan; lungsod ng Ormoc, Leyte; Pasig City; Davao Oriental; munisipalidad ng Claver, Surigao Del Norte; at Malaybalay City, Bukidnon.

Kinilala ang siyam na LGUs na ito sa isang symposium sa Community-Based Drug Rehabilitation and Reintegration Program (CBDRP) best practices.

Sinabi ng kalihim na ang CBDRP best practices ay nagpapakita lamang na seryoso ang pamahalaan sa rehabilitation ascpect ng anti-illegal drugs campaign nito.