Hawak ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na puganteng Koreano na nahuli sa bansa at wanted sa kasong telecommunication fraud.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime H. Morente, ang mga suspek ay humaharap din ng mga kasong kriminal sa kanilang bansa.
Naaresto ang mga suspek sa lungsod Quezon ng BI Intelligence Division at Quezon City Police Department (QCPD).
Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., makatanggap daw sila ng impormasyon mula sa Korean authorities na ang mga banyaga ay wanted sa kanilang bansa.
Dahil dito, agad nagsagawa ng operasyon ang BI at PNP sa pamumuno ni Police Col. Arthur Bisnar, Deputy District Director for Administration ng QCPD.
Sa ngayon, sasailalim na sa booking procedures ang mga suspek habang hinihintay ang kanilang deportation.