-- Advertisements --

Pinabalik na sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na Japanese nationals na naaresto dito sa bansa na wanted sa kanilang bansa dahil sa telecommunications fraud.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek ay kinilalang sina Irie Dai, Ishii Kyogo, Hamaoka Kantaro, Maeyama Takuto, Tanaka Kazuya, Yoshida Takeshi, Murata Seiichi, Kouki Shouji at Imizumi Ryo.

Sinabi ng mga otoridad na nakapangulimbat ang mga suspek ng mahigit 2 billion yen, katumbas ng mahigit $18 million o mahigit P900 million.

Sa dalawang pahinang order, ikinatwiran ng BI na kailangan nang umalis sa bansa ang mga suspek dahil nagdudulot umano ng panganib sa publiko ang pananatili ng mga ito dito sa Pilipinas.

Sa naunang lumabas na report, naaktuhan ang mga suspek na nag-o-operate ng ilang work stations na ginagamit para magsagawa ng voice phishing operations.

Ayon sa mga otoridad sa Japan, ang mga nahuling suspek ay miyembro ng organized crime group na sangkot sa voice phishing at telecom fraud.