-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 89 na kaso ng rabies mula Enero hanggang Marso ng kasalukuyang taon.
Ito ay 2 porsyento na mas mababa kumpara sa naitalang kaso sa parehong period noong 2023.
Ayon sa DOH, ang Soccsksargen ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng kaso ng rabies na nasa 12 sinundan ng Calabarzon at Bicol region na mayroong tig-11 kaso.
Mayorya o 82 sa mga kaso ay dahil sa kagat ng aso, 5 ay mula sa kagat ng pusa habang 2 naman ang nakagat ng ibang hayop.
Sa lahat ng naitalang kaso ng rabies, isa lamang ang fully vaccinated laban sa virus, 40 kaso ang hindi bakunado habang 48 ang mga hayop ang may unknown vaccination status. (With reports from Bombo Everly Rico)