-- Advertisements --

Mahigit 85,000 estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Makati City ay makakatanggap ng learner’s package at libreng internet load para tulunga sila sa distance learning sa 2020-2021 school year.

Sa isang statement, sinabi ni Makati Mayor Abby Binay na makakatanggap ng libreng internet load na valid ng limang oras kada araw at learner’s package na binubuo ng isang flash drive, printed modules, at dalawang washable face masks ang mga estudyante sa pre-school hanggang senior high school.

Maglalaman ang ibibigay na flash drives ng mga learning modules mula sa Department of Education Makati, na maaring buksan kahit walang internet connection.

Ayon kay kay Binay, i-upload ng ng mga guro ang kanilang lessons sa ibibigay na flash drive at magbibigay din ang mga ito ng printed modules kada linggo sa mga magulang ng mga mag-aaral.

Kung walang gadgets na maaring gamitin ang mga mag-aaral para ma-access ang lessons na nilalaman ng mga flash drive, sinabi ni Binay na maaring gamitin ng mga ito ang printed modules.

Available din aniya sa DepEd Makati Learning Resources Portal ang online lessons para sa mga estudyante.

Tiniyak naman ni Binay na patuloy ang ugnayan ng lokal na pamahalaan sa DepEd para matiyak na hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng kanselasyon ng physical classes dahil sa COVID-19 pandemic.