-- Advertisements --

CEBU CITY – Nasa 82 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang natala sa Central Visayas batay sa inilabas na bagong case bulletin ng Department of Health Region 7 (DoH-7).

Sa naturang bilang 18 dito ay mula sa lungsod ng Cebu na dating epicenter ng coronavirus sa Pilipinas, lima mula sa Mandaue City, 11 sa Lapu-Lapu City at 23 sa lalawigan ng Cebu.

Walang bagong kaso mula sa lalawigan ng Negros Oriental at Siquijor ngunit nasa 18 naman ang mula sa lalawigan ng Bohol.

Sa kabuuan nasa 18,738 ang total COVID-19 confirmed cases sa Central Visayas, 2193 nito ang active cases; 15,443 ang mga naka-recover at 1,102 ang namatay.

Una nang inihayag ng DoH-7 na nagpapatuloy ang validation ng ahensiya bilang bahagi ng kanilang monitoring sa mga nahawa ng coronavirus sa Central Visayas.

Samantalang, nagbabala si Cebu City Mayor Edgardo Labella sa publiko na hindi magpapakampante kahit na tumaas na ang recovery rate ng mga COVID-19 infected sa Cebu City dahil nasa paligid pa rin ang nakakamatay na virus.

Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa mga Sugbu-anon na patuloy na tumalima sa mga health and safety protocols laban sa pagkalat pa ng coronavirus.