-- Advertisements --
Mistulang mis pa rin ng kanyang pamilya si Fernando Poe Jr. o FPJ.
Ito’y bakas sa pagbati mula sa kanyang mga anak na sina Senador Grace Poe, aktres na si Lovi Poe, at DJ Ron Poe Jr., para sana sa 81st birthday ni FPJ ngayong araw.
Sa bersyon ng pag-alala ni Grace po, nagbahagi ito ng mga video clip ng tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.
Kabilang naman sa tinatawag na IG stories ni Lovi ang birthday greeting nito sa ama.
Si Lovi ay anak ni FPJ sa dating modelo at aktres na si Rowena Moran.
Sa Instagram din naman idinaan ni Ron ang pag-post ng larawan ng kanyang ama.
Si Ron ay anak ni FPJ sa dating aktres na si Anna Marin.
Taong 2004 nang pumanaw sa edad na 64 si FPJ dahil sa thrombosis at multiple organ failure na nauwi sa pagka-stroke nito.