-- Advertisements --

Kinumpirma ng Saudi Arabia Interior Ministry na nasa 81 individuals ang na-execute sa loob lamang ng isang araw dahil sa kinakaharap na kaso na may kaugnayan sa terorismo at iba pang mga offenses.

Kabilang sa na-execute ay ang Yemenis at isang Syrian nd one Syrian nitong Sabado na itinuturing na biggest mass execution sa nagdaang dekada.

“These individuals, totalling 81, were convicted of various crimes including murdering innocent men, women and children,” pahayag ng Interior Ministry.

Dagdag pa sa inilabas na statement, “Crimes committed by these individuals also include pledging allegiance to foreign terrorist organisations, such as ISIS (Islamic State), al-Qaeda and the Houthis.”

Hindi naman binanggit at ipinaliwanag ng ministry kung papaano isinagawa ang execution.

Kabilang sa mga na-execute ang 37 Saudi nationals na napatunayang guilty sa isang single case dahil sa tangkang assasination sa mga security officers kung saan target ang mga police stations at convoys.

“There are prisoners of conscience on Saudi death row, and others arrested as children or charged with non-violent crimes,” pahayag ni Soraya Bauwens, deputy director of anti-death penalty charity Reprieve sa isang statement.

“We fear for every one of them following this brutal display of impunity,” dagdag pa nito.

Sa kabilang dako, mariin namang itinanggi ng Saudi Arabia ang akusasyong paglabag sa karapatang pantao.

Magugunita na batay sa datos, nasa 63 katao ang na-execute ng Kingdom sa loob ng isang araw nuong taong 1980.

Nasa 47 katao kabilang ang prominenteng Shi’ite Muslim cleric Nimr al-Nimr, ang na -execute sa loob ng isang araw nuong 2019.