-- Advertisements --

Nakumpiska ng Colombian Navy ang semi-submarine na naglalaman ng 800 kilos ng cocaine.

Ang 50 talampakan na haba na “narco-sub” ay nakumpiska sa karagatang sakop ng Colombia.

Aabot sa halagang $27 milyon ang nasabing nakumpiskang droga.

Pinaniniwalaan ng mga otoridad na ito ay patungo sa US o Europa.

Kasabay din nito ay naaresto ng mga otoridad ang tatlong katao na nakasakay sa nasabing maliit na submarine.

Galing ang nasabing submarine sa Buenaventura ang pantalan sa Colombia.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang may-ari ng nasabing mga iligal na droga.