
Nagsagawa ng simulation exercise para sa pagboto ng nasa 80 preso sa nag-iisang bayan sa Matro Manila na Pateros para sa Barangay at SK elections.
Isinagawa ng Pateros Muncipal Police Station kasama ang Bureau of Jail Management and Penology at Department of Education ang Voter’s Education and Voting Simulation Exercise for the PDLs.
Ang unang parte ng naturang aktibidad ay nakatuon sa voter’s education kung saan ipinaalam sa PDLs ang kahalagahan ng kanilang karapatan para bumoto at pambihirang pagkakataong ipinagkaloob sa kanila.
Ang ikalawang bahagi naman ay ang voting simulation exercise kung saan ginabayan ang mga PDL sa buong proseso ng pagboto mula sa pagpasok sa itinalagang voting area sa loob ng BJMP hanggang sa kanilang pagboto.
Sa isang circular, nakasaad na ang mga papayagang makaboto para sa lokal na halalan ay ang mga nakakulong sa piitan na pormal na sinampahan ng kaso sa anumang krimen subalit nag-aantay o sumasailalim pa sa pagdinig, gayundin ang mga nagsisilbi ng kanilang sentensiya ng pagkakakulong ng mas mababa sa isang taon, ang mga nahatulan ng krimen may kinalaman sa rebelyon, panunulsol laban sa pamahalaan, paglabag sa firearms laws o anumang krimen laban sa seguridad ng bansa o iba pang krimen na kasalukuyang inaapela pa.
Ang pagpapahintulot sa mga preso para makaboto ay nagpapakita ng mahalagang hakbang tungo isang inclusive at participatory democracy kung saan ang bawat mamamayan anuman ang kanilang kalagayan sa buhay ay mabibigyan ng pagkakataon na ma-exercise ang kanilang karapatan para makaboto.










