Inaasahan na aabot sa 80 lalawigan at 275,000 na ektarya ang maaapektuhan ng El Nino phenomenon.
Ayon sa huling ulat, kinumpirma ni Task Force El Nino spokesman Joey Villarama na nasa 51 na lalawigan na ang naapektuhan ng El Nino na maaari pang tumaas habang nagpapatuloy ang mainit na panahon.
Dagdag pa ni Villarama, maaring tumagal ang El Nino hanggang Mayo at Hunyo.
Sa ngayon ay nasa 6,600 hectares pa lamang daw ang apektadong mga sakahan.
Tiniyak din ng task force na mayroong sapat na supply ng bigas at pagkain sa bansa.
Hinihikayat din nila na mag-deklara na ng State of Calamity ang lokal na gobyerno ng mga apektado ng El Nino upang mapadali ang pagpasok ng tulong mula sa national government.
Sa ngayon ay dalawang bayan na sa Mindoro Oriental at Mindoro Occidental ang nag-deklara ng state of calamity kung saan nakapagbigay na ang Department of Agriculture ng P5-K na halaga ng rice assistance at fuel subsidy.