-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine National Police na umabot sa 80 hanggang 90 ulat ang kanilang natanggap nito lamang Lunes, Pebrero 12, 2024.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa magkakasunod na bomb threat na natanggap ng ilang ahensya ng pamahalaan at ilang mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula sa isang nagpakilalang Takahiro Karasawa na isa umanong Japanese lawyer.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, kasalukuyan pang isinasapinal ng PNP explosive ordnance disposal ang naturang datos dahil may ilang mga late reports din silang natatanggap.

Kung maaalala, una nang sinabi ng pnp na hoax lamang ang kumalat na bomb threat via email at ito ay may kaugnayan sa una ng mga napaulat na bomb threat noong buwan ng Setyembre, Oktubre, at Disyembre ng nakalipas na taon.

Samantala, sa ngayon bukod sa pnp ay nagsasagawa na rin ng kaukulang imbestigasyon ang Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation ukol dito upang tugisin na rin ang indibidwal na responsable sa kasong ito.