-- Advertisements --
Nakapagtala ng walong volcanic earthquakes ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa nakalipas na magdamag sa kanilang pag-monitor sa bulkang bulusan sa sorsogon.
Liban nito, ayon sa Phivolcs, umabot din sa 462 na tonelada ang naibuga ng bulkan o sulfur dioxide.
Sa kabila nito, naging katamtaman ang pagsingaw kung saan umabot ng 100 metrong pagtaas hanggang sa napadpad sa hilagang kanluran na bahagi.
Sa ngayon pinapairal pa rin ang apat na kilometrong permanent danger zone at pagpasok ng walang pag-iingat sa 2 kilometers extended danger zone sa gawing timog silangan.
Liban nito, ipinagbabawal pa rin ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan na nakikita pa rin ang bahagyang pamamaga.