NAGA CITY – Halos 10 katao ang nasugatan matapos bumangga ang pampasaherong bus sa isang bahay sa Barangay Binambang Gumaca, Quezon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Pat. Alejandro A. Veluz Jr., imbestigador ng Gumaca-Philippine National Police, sinabi nitong posibleng nakatulog kaya nawalan ng kontrol ang driver sa manibela hanggang sa napunta ito sa kabilang linya ng kalsada at dumiretsong sa isang bahay.

Kaugnay nito, sugatan ang driver ng DLTB bus kasama ang pitong pasahero.

Samantala ayon kay Veluz, hindi naman nasaktan ang mga taong nasa loob ng naturang bahay.

Nasa maayos na kalagayan din aniya ang pitong pasahero ngunit nananatiling kritikal ang kalagayan ng driver nito.