-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang ginagawang post blast investigation ng mga otoridad sa nangyaring pagsabog ng pinaniniwalaang Improvise Explosive Device (IED).

Naganap ang pagsabog pasado alas-3:30 kahapon sa mismong covered court ng munisipalidad.

Ito ang inihayag ni Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6th ID, Philippine Army sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Baldomar, nanyari ang pagsabog sa covered court sa Plaza ng Datu Piang habang may mga taong nagkakasayahan.

Sa lakas ng pagsabog ng hindi pa matukoy na ekspl;osibo ay nasugatn ang mga biktimang kinilalang sina Norodin S Musa, 21; Fahad A Tato, 22; Samsudin D kadtugan, 21; Benzar Macogay, 24; Amid B. Miparanun, 19; Carlo Mobpon, 25; Tukoy Abo, 13 at Mohamad Wanti, 29.

Anim sa mga sugatan lamang ang dinala sa ospital habang ang dalawa ay out patient.

May isa namang nasa kritikal na kondisyon na ini-refer sa Cotabato Regional Hospital sa Cotabato City.

Sa ngayon, inaalam pa kung ano ang motibo at sino ang mga suspek.

Sa kabila nito, siniguro naman ni Baldomar na back to normal na ang seguridad sa nabanggit na bayan.