-- Advertisements --

Sugatan ang walong katao matapos ang naganap na pagsabog sa isang gusali sa Chicago.

Nadamay rin sa nasabing pagsabog ang ilang nakaparadang sasakyan mula sa gusali na matatagpuan sa West Washington Boulevard at North Central Avenue.

Sa nasabing mga biktima ay nasa tatlong mga biktima ang nagtamo ng matinding pinsala.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pinakasanhi ang nasabing insidente.