-- Advertisements --

Sugatan ang walong katao matapos na sila ay pagsasasaksakin sa Annecy, southeast France.

Apat sa mga biktima ay mga bata na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Dinala ang mga sugatang biktima sa pagamutan matapos ang insidente.

Sinabing isang Syrian asylum-seeker ang suspek na nagsagawa ng pag-aatake.

Sinabi ni Annecy Mayor Francois Astrog na hindi nila tinitignang terorismo ang motibo sa insidente.

Hindi bababa sa tatlong taong gulang ang mga biktima na isang British national at Dutch national.

Pinatitiyak ni French Prime Minister Elisabeth Borne ang malalimang imbestigasyon sa nasabing insidente.