-- Advertisements --

Hinatulan ng guilty ang walong coast guard personnel matapos mapatunayan ang kanilang kaugnayan hinggil sa pagkamatay ng Taiwanese fisherman na si Hong Shi Cheng sa Batanes noong taong 2013.

Ang mga hinatulan ng Manila Regional Trial Court branch 15 ay sina Commanding Officer Arnold Dela Cruz, Seaman 1st Class (SN1) Edrando Aguila, SN1 Mhelvin Bendo II, SN1 Andy Gibb Golfo, SN1 Sonny Masangcay, SN1 Henry Solomon, SN1 Richard Corpuz and Seaman 2nd Class Nicky Renold Aurelio.

Kung maaalala dahil sa naturang insidente, libo-libong Overseas Filipino workers ang nawalan ng trabaho matapos ipatigil ng taiwanese government ang pag-issue nito ng visa para sa mga Pilipino na nagnanais magka-trabaho sa kanilang bansa.

Nagpadala naman ang representante ng Pilipinas ng letter of apology sa Taiwanese government bilang hakbang upang pahupain ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at Pilipinas.

Haharap sa 8-14 na taong pagkakakulong ang mga akusado at pinagbabayad din ang mga ito ng aabot sa 100,000 pesos kung saan ang P50,000 pesos ay para sa civil indemnity habang ang kalahati naman ay para sa moral damages.