-- Advertisements --
Patay ang walong katao matapos ang pagbaligtad ng dalawang bangkang pangisda sa karagatan ng San Diego, California.
Agad na nagsagawa ng search and recovery ang mga kasapi ng San Diego emergency crews matapos na makatanggap ng 911 na tawag mula sa Spanish-speaking na fishing boats sa Black Beach ng San Diego.
Pagdating ng mga rescuers ay nadatnan nila ang bumaligtad na dalawang bangka.
Dito nakita nila ang bangkay ng walong mga biktima.
Naniniwala si San Diego Fire-Rescue Lifeguard Division Chief James Gartland na sangkot sa human smuggling ang nasabing mga bangka.
Inaalam pa ng mga otoridad ang nationality ng mga biktima.
Posible sa sama ng panahon kaya lumubog ang nasabing dalawang mga bangkang pangisda.