-- Advertisements --
Patay ang walong katao matapos ang pag-atake ng mga armadong suspeks sa dalawang simbahan sa Kano, Nigeria.
Dinukot pa ng mga hindi nakikilalang mga suspek ang nasa 38 na iba pas sa Kaduna state.
Nangyari ang pang-aatake habang nagaganap ang misa sa isang Baptist at Catholic church.
Magugunitang noong nakaraang dalawang linggo ay inatake rin ng mga armadong suspeks ang St. Francis Catholic Church sa bayan ng Owo na ikinasawi 40 katao.