-- Advertisements --

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang driver ng isang dump truck matapos ang pag-araro nito sa isang SUV at motorsiklo na nagresulta sa pagkasawi ng 8 katao sa Nasugbu, Batangas.

Mag-ala-sais ng umaga nitong Lunes, Agosto 1, naganap ang aksidente kung saan unang inararo ng truck ang SUV at motorsiklo.

Patay lahat ang pitong sakay ng SUV at ang driver ng motorsiklo habang tumagilid naman ang truck na may laman na buhangin.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP, galing sa Calatagan ang sakay ng SUV at pabalik na sa Manila ng sila ay araruhin ng truck at nadamay pa ang isang motorsiklo.

Base sa driver ng truck na nawalan umano ito ng preno kaya naibangga ang sasakyan.

Kabilang sa nasawi ang apat na buwang gulang na bata at magulang nito.

Nakakulong na ang driver at pahinante nito at ito ay nahaharap sa kaukulang kaso.