-- Advertisements --
Nasa walong katao na ang nasawi at 21 ang nawawala dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan sa Rio Grande del Sul ng Brazil.
Ayon sa mga otoridad doon na mayroong 1,400 residente ang nawalan ng bahay dahil sa malawakang pagbaha.
Apektado ng nasabing bagyo ang 104 na munisipalidad.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si State Governor Eduardo Leite at tiniyak ang tulong sa mga biktima.