-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction Management (NDRRMC) na nag-iwan ng walong patay sa pananalasa ng bagyong Vicky.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Peter Paul Galvez, bukod sa walong nasawi ay nakapagtala rin ang ahensya ng dalawang sugatan at isa naman ang nawawala.

Ani Galvez, pinaka-apektadong lugar ang Surigao del Sur, Surigao del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental. Nakapagtala rin ang mga ito ng pagbaha at landslide sa CARAGA region.

Umabot na rin daw ng P105 milyon ang iniwang pinsala ng bagyo sa mga imprastruktura sa Caraga.

Bukod pa rito, anim na road sections at isang tulay sa Eastern Visayas, Davao, at Caraga ang naapektuhan din ng paghagupit ni Bagyong Vicky.