Walong katao ang kumpirmadong nasawi habang mahigit labindalawa pa ang patuloy na hinahanap matapos tumaob at tuluyang lumubog ang isang passenger ferry sa baybayin ng Northern Cyprus.
Ayon sa pamahalaan, may daang 259 na pasahero at walong crew members ang sakay ng Filo Jet nang tamaan ito ng dalawang malalaking alon matapos umalis sa bayan ng Kyrenia.
Naglunsad na ng malawakang search and rescue operation gamit ang mga helikopter at coastguard boats sa pangunguna ng Northern Cyprus at mga awtoridad mula sa Turkey.
Naaresto na rin ang kapitan ng barko at pitong crew members upang imbestigahan ang sinasabing kapabayaan at alamin ang eksaktong sanhi ng trahedya.
Nasa 100 pasahero na ang matagumpay na naiahon sa dalampasigan habang patuloy naman ang pagbibigay ng tulong at koordinasyon ng mga rescuer sa lugar.















