Halos 10 politiko sa Central Luzon na kabilang sa listahan ng narco-politics ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tinututukan ng Philippine National Police (PNP).
Sa panayam kay PNP chief police director Gen. Ronald Dela Rosa sa Pampanga, sinabi nito na lima rito ay alkalde, dalawa ang kongresista, at isang bise gobernador.
Sa ngayon on going pa aniya ang validation kung totoong sangkot sa iligal na droga ang walong politiko na ito.
Wala namang balak si Dela Rosa na i-assign sa Central Luzon si Pol. C/Insp. Jovie Espenido.
Hayaan na lang muna aniya si Espenido sa Iloilo dahil may kapareho naman si Espenido na kasalukuyang naka-assign sa Central Luzon.
Binanggit ni Dela Rosa ang provincial director ng Bulacan si SSupt. Romeo Caramat na magaling sa mga drug operation.
Nasa Camp Olivas sa Pampanga ngayong araw si Dela Rosa at dumalo sa Police Service Anniversary ng Police Regional Office-3.