-- Advertisements --
Patay ang walong marino matapos ang paglubog ng South Korean-flagged tanker sa karagata ng Japan.
Ayon sa Japan Coast Guard na isang katao ang nasa malubhang kalagayan habang mayroong dalawang iba pa ang nawawala.
Naganap ang paglubog ng Keoyoung Sun sa Yamaguchi prefecture pasado ala-7 ng umaga.
May kargang 980 toneladang acrylic acid ang nasabing barko.
Naka-angkla ang nasabing barko dahil sa malakas ang alon.
Patuloy pa ring hinahanap ng mga otoridad ang mga nawawalang marino.










