-- Advertisements --

Natagpuang patay ang walong magkakaanak sa kanilang bahay sa southwest Utah.

Kabilang sa mga nasawi na nagtamo ng tama ng bala sa katawan ay limang bata.

Ayon sa kapulisan, nirespondihan nila ang tawag na may insidente ng pamamaril sa Enoch city.

Inaalam pa ng mga otoridad ang suspek ganun din ang motibo ng insidente.