-- Advertisements --
Arestado ang walong drug suspeks sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Makati at Pasay.
Nakuhanan ng 16 na sachet na naglalaman ng shabu ang apat na suspek na residente ng Barangy 152, Pasay City.
Pawang mga nasa drug watchlist ang mga naaresto at ito ay nasa kustodiya na ng kapulisan.
Sa lungsod ng Makati, naaresto rin sa buy-bust operations ang tatlong lalaki at isang babae sa Barangay Guadalupe Nuevo.
Unang nakuha sa 39-anyos na lalaki ang 10 sachet na naglalaman ng shabu habang nakuha sa dalawang lalaki at isang babae ang 31 sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P16,000.
Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga suspek.