Ryan Kaji review
Ryan Kaji review/ YouTube image

Tinanghal ng Forbes magazines bilang highest paid YouTuber ng 2019 ang 8-anyos na si Ryan Kaji.

Si Kaji ang batang nasa likod ng YouTube channel na Ryan’s World ay kumita ng kabuuang $26 million ngayong 2019 o katumbas ng mahigit P1.3 billion.

Noong 2018 ay tinanghal din si Kaji bilang highest paid creator ng YouTube.

Nakilala si Kaji sa pamamagitan ng “unboxing” videos sa YouTube kung saan nagkokomento ito sa mga bagong laruan na nagsimula pa noong 2015.

Mayroon itong mahigit 23 million na subscribers.

Pumangalawa sa puwesto sa kaniya ang Dude Perfect na kumita ng $20 million na pinapatakbo ng limang kalalakihan na naglalaro ng mga pangmatandang laruan gaya ng nerf ball at nasa pangatlong puwesto ang 5-anyos na si Anastasia Radzinskaya na kumita ng $18-million.