Tuluyan nang binawian ng buhay si Sultan Qaboos bin Said Al Said ng Oman, Biyernes ng gabi.

Ito’y matapos ang matagal nang pagkakaroon ng karamdaman na sinasabing dahil sa cancer.

Noong nakaraang buwan ay umuwi ito sa kanilang bansa mula Belgium kung saan siya sumailalim sa medical treatment.

Kontrobersyal ang pagpanaw ni Sultan Qaboos dahil hindi ito kasal kaya walang tagapagmana, at hindi rin nagtalaga ng magiging successor noong nabubuhay pa.

Halos 50 taon nanilbihan ang namayapang sultan at kinikilala bilang “longest serving leader in the Arab world.” (gulfnews photo/BBC)

-- Advertisement --