-- Advertisements --

Lumamang na sa dalawang panalo ang Philadelphia Sixers matapos tambakan nila sa Game 2 ang Washington Wizards, 120-95 sa first-round playoff series.

Minalas pa ang dating MVP na si Russell Westbrook na inalis muna sa game dahil sa posibleng may injury may 10 minuto pa ang nalalabi sa fourth quarter.

Habang papalabas sa tunnel, isang fan ng Sixers ang biglang nagbuhos sa ulo ni Westbrook ng popcorn.

Dito nagalit si Westbrook pero pinigilan ng mga gwardiya.

Ayon kay Westbrook at iba pang NBA players, dapat proteksyunan ng liga ang players laban sa magugulong fans.

Samantala bumida naman sa 76ers si Simmons na may 22 points, nine rebounds at eight assists at hindi na kailangan pa sa fourth quarter dahilan sa tambak na kalamangan nila.

Ang MVP candidate na si Joel Embiid ay nagtala rin ng 22 puntos.